By: Ana Mayleen Diaz
Sa isang malayong probinsiya, may magkasintahang Nene at Pedro. Halos sila ang laman ng usap usapan ng kanilang mga kapitbahay.
SCENE 1
KAPITBAHAY: Alam mo ba yan si Nene, sobrang sipag na bata. Bagay na bagay sila ni Pedro, kailan kaya sila magpapakasal? Excited na nga ako sa magiging anak nila eh...
Dumating bigla ang nanay ni Nene.
GLORIA: Hoy, hoy, hoy. Anong anak, anak diyan! Batang-bata pa si Nene kaya wag nyo na muna yan pag-usapan! Mga tsismosang to.
Nagsialisan ang mga nag-uusap usap.
NENE: Nay, mano po.
PEDRO: Nay, mano po.
GLORIA: Anong NAY! Kayo ha! Umayos kayo, kayo na lang lagi ang pinag-uusapan ng kapit-bahay natin.
PEDRO: Hayaan nyo po sila basta ang importante nagmamahalan po kami.
GLORIA: Nagmamahal!
PEDRO: Aling Gloria, ipapaalam ko po sana si Nene.
GLORIA: At bakit?
PEDRO: Magpapakasal na po kami.
GLORIA: Ay, Dyos ko! Santisima! (sabay nahimatay...)
SCENE 2 (KASALAN)
PARI: Ikaw Pedro, tinatangggap mo ba si Nene na maging asawa sa hirap at ginhawa?
PEDRO: Opo, padre.
PARI: At ikaw naman Nene, tinatangggap mo ba si Pedro sa hirap at ginhawa?
NENE: Opo, padre.
Samanatala si Gloria ay humahagulgol sa kakaiyak.
SCENE 3
NENE: Pedro!!! Manganganak na ako! Ahu! Ahu!
PEDRO: (Natataranta) Teka, tatawag lang ako ng, este tatawagin ko si Aling Lorna.
NENE: Bilisan mo!
SCENE 4
LORNA: Ito na! Ang ganda-gandang bata naman nito. Oh Nene, buhatin mo! Anu bang pangalan nitong bata?
NENE: Salvacion! Salvacion ang pangalan niya...
Sabay naman itong binuhat ng kanyang ama na sobrang saya.
PEDRO: Aalagaan ka namin anak, magtratrabaho kami ng sobra-sobra para lang maibigay namin ang lahat ng pangagailangan mo. (Sabay halik sa sanggol.)
SCENE 5
Hindi makatulog si Nene dahil iyak ng iyak si Salvacion.
NENE: Baby, tulog na please, love yan ng nanay...tulog na baby.
PEDRO: Mahal ako na,akin na si Salvacion, matulog ka na mahal. Lalalalala... tulog na baby, tulog na.
Paulit-ulit itong pinatahan sa kakaiyak si Salvacion hanggang mag alas 12 na ng hating gabi. Nagising si Pedro upang ihiga si baby ngunit pagkalipas ng 10 minuto umiyak na naman ito.
PEDRO: Baby, gutom ka na? Sige wait lang ha, magtitimpla si tatay ng gatas sa mahal kong baby.
Makalipas ang limang taon...
SCENE 6
NENE: Salvacion kain ka na anak. Halika subuan ka ni nanay.
PEDRO: Oh anak ito baon mo, bilis na at ihahatid ka pa ng tatay sa school. Excited na ang tatay.
NENE: Anak, 'wag makikipag-away.
PEDRO: Pero nak, pag inaway ka sabihin mo lang ki tatay at si tatay ang...
NENE: Opps, opps... Pedro, ikaw ha tinuturuan mo pa ang anak natin.
PEDRO: Mahal, ayaw ko lang nagpapatalo siya.
NENE: Hay sige, sige na! Ihatid mo na yan at baka ma late na siya.
Makalipas ang ilang taon...
SALVACION: May crush na po ako, ang gwapo niya Nay grabe.
NENE: Hoy! Ang baby ko humahanga na. Huwag ka muna niyan anak ang bata, bata mo pa.
SALVACION: Eh crush lang naman Nay.
PEDRO: (Kakarating lang galing sa bukid) Anak! Ano yung narinig ko na may hinahangaan ka na daw?
SALVACION: Crush lang naman Tay!
PEDRO: Anong crush anak, mag-aral ka muna ha! Lahat ibibigay namin sa 'yo kahit magkanda kuba-kuba kami diyan basta mag-aral ka ng mabuti.
SCENE 7 (sa paaralan)
CLASSMATE: Salvacion, iyan yung crush mo oh.
SALVACION: Hayaan mo siya...
CLASSMATE: Bakit naman girl? Sige ka aagawin ko siya sa 'yo.
SALVACION: Ano ka ba sa akin lang siya.
CLASSMATE: Friend, nabalitaan ko magtratransfer na daw yang crush mo.
SALVACION: Saan daw?
CLASSMATE: Sa Manila daw. Alam mo girl kung ako sa 'yo susundan ko siya, baka kasi agawan pa ako ng iba.
SCENE 8
Kinagabihan, hindi mapakali si Salvacion. Iniisip niya yung sinabi ng kanyang kaibigan.
NENE: Salvacion okay ka lang ba anak? Halika, kain ka na.
SALVACION: Nay, may gusto po akong sabihin.
NENE: Ano yun anak? (Biglang dumating si Pedro)
NENE: Oh mahal, tamang-tama halika, kain ka na at saka may sasabihin daw 'tong anak natin.
PEDRO: O, sige ano ba yun anak?
SALVACION: Nay, Tay, gusto ko na pong lumipat ng paaralan. Ayoko na po dun sa pinag-aaralan ko. Gusto ko po mag-aral sa Manila.
NENE & PEDRO: Bakit anak?!
SALVACION: Basta ayoko na po dun. Sabi niyo Nay, ibibigay niyo sa akin lahat basta 'wag muna akong mag-crush, kaya dapat payagan niyo kong magtransfer.
PEDRO: Ahmm anak, sigurado ka ba sa desisyon mo?
SALVACION: Opo Tay!
PEDRO: Sigeh, anak pinapayagan ka na namin magtransfer.
SALVACION: Salamat Tay, Nay, promise ko po sa inyo, mag-aaral po akong mabuti.
SCENE 9 (Maynila)
NENE: Oh, anak, mag-ingat ka dito oh, basta pag may kailangan ka text ka lang kay Nanay at Tatay, 'wag kang magpapagutom ah. I love you nak. Hayst, ang baby namin malaki na! (Naiiyak)
PEDRO: Sige na nak, aalis na kami ng nanay mo at baka bumaha pa dito ng luha.
SALVACION: Tay, Nay... ingat po kayo.
SCENE10 (sa paaralan)
GIRL 1: Hoy, Miss... transferee ka ba?
SALVACION: Ah oo eh.
GIRL 1: Siguro wala ka pang kaibigan sa ngayon.
GIRL 2: Pwede mo kaming maging kaibigan.
GIRL 1: Oo, pwede siya, pero kailangan sumama ka muna sa amin.
SALVACION: OO, naman, sige.
GIRL 1: Mamayang gabi, punta ka sa kantong yun.
GIRL 2: Kailangan saktong alas 7.
GIRL: At dapat wag na wag kang ma late.
SALVACION: Ah oo naman.
SCENE 11 (Si Salvacion ay nasa kanto)
GIRL 1: Ui nandyan na siya.
GIRL 2: Alam mo ba kung anong ipapagawa namin.
GIRL 1: Kailangan maubos mo 'tong inumin at pag hindi mo ;'to maubos hindi ka namin kaibigan.
SALVACION: Oo, kaya ko iyan.
GIRL 1: Sige, go!!!
Sabay kinuha ni Salvacion at ininum ang isang boteng alak. Makalipas ang ilang minuto lasing na lasing na ito.
GIRL 1: Ay teka, baka makalimutan natin .
GIRL 2: Hoy babae bukas pala, papakainin mo kami ha, kapalit nitong inumin mo!
GIRL 1: Siguro mga isang libo ok na yan.
GIRL 2: Hoy, nakikinig ka ba? Sumagot ka nga!
SALVACION: Oo naman. Akong bahala.
SCENE 12
NENE: Mahal, siguro kailangan ko na ring magtrabaho para sa anak natin. Kahit pagtitinda, para makadagdag para sa anak natin.
PEDRO: Sige mahal, ikaw ang bahala, basta ako, lahat ng trabaho sa bukid gagawin ko na. Para kapag humingi ang anak ko may ibibigay ako.
Kring! kring! kring!
NENE: Mahal ang anak natin tumatawag.
PEDRO: Hehe anak, kamusta ka diyan? Miss na miss kana namin anak.
SALVACION: Nay, Tay, kailangan ko po ng isang libo. May project po kami.
PEDRO: Ah ganun ba anak, sige padadalhan ka namin diyan.
NENE: Mahal, anong sabi ng anak natin?
PEDRO: Kailangan niya daw ng 1 libo.
NENE: Oh sige, ito oh. May limang daan ako. Teka dun sa alkansya ko mayroon pa dun limang daan. Ito mahal, tamang-tama na 'to. Ipadala na natin kasi baka ma late siya sa project niya.
SCENE 13
GIRL 1: Salvacion! Nagugutom na kami.
GIRL 2: Pwede ba bilisan mo naman.
GIRL 1: Hay naku, waiter please!!! Ikaw nalang bahalang magbayad.
SALVACION: Oo, sige. Ako ng bahala.
Pagkatapos kumain...
GIRL 2: Alam mo friend, ang swerte mo na kami ang naging friend mo.
GIRL 1: Mayayaman kami.
GIRL 2: Saka magaganda ang cellphone namin, ang mga damit at may tablet pa kami.
GIRL 1: Eh, ikaw wala. Kailangan makasabay ka din sa amin.
GIRL 2: Pabili ka.
SALVACION: Oo naman. Kayang-kaya yan nila Daddy at Mommy. ang yaman-yaman kaya namin.
GIRL 1: Hey girls, let's go, may pasok pa tayo di ba?
GIRL 2: OO nga, ang taray pa naman ng teacher natin.
SCENE 14 (Classroom)
TEACHER: Goodmorning class.
STUDENTS: Goodmorning Ma'am.
TEACHER: Class, I have here your first project in this semester. You will be contributing 200 pesos for the arrangement of Bulletin Board. The deadline is next week. Ok. Class, do you have any questions, suggestions or clarifications?
STUDENTS: None, ma'am.
TEACHER: If there's none, goodbye class.
STUDENTS: Bye Ma'am.
GIRL 1: Salavacion, di ba mayaman ka naman.
SALVACION: OO naman, bakit?
GIRL 2: Ikaw nalang magbayad ng contribution natin ah.
GIRL 1: Oo nga, 200+200+200 = 600
GIRL 2: 600 lang naman.
SALVACION: Oo naman. Walang problema , sisiw. Ang yaman ko kaya.
GIRL 1: Ang dali naman palang kausap nitong si Salvacion eh.
GIRL 2: So girls, let's go.
SCENE 15
KAPITBAHAY 1: Hoy, tingnan niyo nga yun si Aling Nena at Mang Pedro. Kung magtrabaho parang wala ng bukas.
KAPITBAHAY 2: Oo nga eh. Sana naman yung si Salvacion eh nag-aaral talagang mabuti.
KAPITBAHAY 1: Mang Pedro tama na yan. Magtatakipsilim na ah...
MANG PEDRO: Ok lang ako basta para sa anak ko kahit mag-umaga pa yan kakayanin ko.
NENE: Mahal, maglalako muna ako ng paninda ko ha. Para naman maubos kaagad.
KAPITBAHAY 2: Tingnan niyo yan si Aling Nene. Araw at gabi tinda pa rin ng tinda.
PEDRO: Sige mahal, ingat ka ha...
SCENE 16
SALVACION: Ilan kaya ang hihingin ko kila nanay? Hindi! Mayaman ako kaya dapat mga, 2000? Oo, 2000 ang hihingiin ko. Nasaan na kaya ang phone ko. Tatawagan ko sila.
Kring... Kring... Kring...
SCENE 17
PEDRO: Hello anak. Kamusta ka diyan? (Umuubo)
SALVACION: Ok naman ho ako Tay. Palagi pong perfect ang mga quizzes ko.
PEDRO: Ganun ba anak? Wow! Ang galing ng baby namin ah. Teka anak kailangan mo ba ng pera?
SALVACION: Opo Tay, eh. May contribution po kasi kaming 2000. Tapos Tay bukas na po yung deadline.
PEDRO: Ah ganun ba anak. Sige'wag kang mag-alala. Magpapadala kami bukas diyan sa 'yo.
SALVACION: Salamat Tay ha. Bye!
PEDRO: Anak... I love you. (tututttt) Siguro busy yung anak ko kaya pinatayan ako agad ng telepono.
NENE: (Kakarating) Mahal, ok ka lang ba? Tumawag ba ang anak natin?
PEDRO: Oo mahal. Kailangan niya daw ng 2000. Contribution daw nila eh.
NENE: Mahal, parang tumataas ng tumataas ang bayaranin natin kay Salvacion ah.
PEDRO: Mahal, magtiwala lang tayo sa anak natin. Sabi niya nga kanina eh mga perfect daw yung exam niya.
NENE: Talaga mahal? Wow! Ang galing naman ng anak natin. Sigurado sa akin yun nagmana.
PEDRO: Sa akin yun mahak nagmana (sabay ubo).
NENE: Sige na mahal sa 'yo na. Hehehehe. Ikaw talaga (sabay haplos sa likod ni Pedro).
PEDRO: Mahal, 1300 nalang ang pera ko dito.
NENE: Mahal, 'wag mo ng problemahin yan may 700 ako dito pero ito na rin lang ang tira kong pera.
PEDRO: Salamt sa Diyos sakto 2000. Bukas na bukas ipapadala ko na 'to sa anak natin para hindi siya mahuli.
NENE: Mahal, naubos yung tinda ko.
PEDRO: Eh di mabuti mahal.
NENE: Anong kakainin natin ngayong gabi?
PEDRO: Hehe, mahal eto oh, 2 basong tubig. Isipin nalang natin rice eto.
NENE: Hehe, ang sweet naman ng mahal ko. Sige, ito mahal 2 basong tubig. Isipin mo na lang wala 'to.
PEDRO: Hehehehe, ikaw talaga mahal. Sige na, inumin na natin 'to at matulog na tayo.
Kinaumagahan, maagang pumunta si Mang Pedro sa palengke upang ipadala ang pera. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nahulog ang kanyang wallet nang hindi namamalayan...
GIRL: Manong, magkano po ba ang ipapadala mo? Pa fill-up po dito (Sabay ibinigay ang papel).
PEDRO: Dalawang libo, Miss. Ito oh (kapkap sa bulsa). Teka, nasaan na yung wallet ko? Teka Miss, nawawala yung wallet ko.
Binalikan ni Mang Pedro ang daan upang tingnan kung nahulog dun ang wallet niya ngunit wala na ito.
NENE: Mahal, kamusta? Ok ka lang ba? Mahal?
PEDRO: Nawala yung wallet ko.
NENE: Ano? Mahal naman, paano na yung anak natin?
Kring... kring... kring
NENE: Hello anak.
SALVACION: Nay, nasaan na?! Kailangan ko na ng pera. Bakit wala pa rin? Ano ba naman Nay, kahapon ko pa sinabi. Bilis-bilisan niyo naman.
Inigaw ni Pedro ang telepono kay Nene...
PEDRO: Anak, sige 'wag kang mag-alala papunta na ako sa palengke. Ipapadala ko na diyan. Sige anak ingat ka.
SALVACION: Bilisan niyo naman Tay! Ang bagal niyo!
PEDRO: Sige anak ingat ka.
SALVACION: BYE! (Binaba ang telepono)
NENE: Mahal, saan tayo kukuha ng pera?
PEDRO: Ako na bahala mahal. Uutang ako.
Pumunta si Pedro kay Mang Kanor...
PEDRO: Mang Kanor, maaari ba akong makautang ng 2000?
KANOR: Wala, wala ako niyan.
PEDRO: Ikaw Mang Juan?
JUAN: Wala ho. Hindi ko nga mapakain ang anak ko tapos magpapautang pa ako.
PEDRO: Eh ikaw po Mang Jose?
JOSE: Hay naku Pedro. Patigilin muna kasi sa pag-aaral ang anak mo. Hindi mo naman kaya eh.
PEDRO: Sige ho, salamat na lang. Kahit anong sabihin niyo hindi ko papatigilin ang anak ko!
Umalis si Pedro at umuwi na lang sa bahay...
NENE: Mahal, may nahiraman ka ba?
PEDRO: Wala mahal. Paano kaya yung anak natin?!
Kring... kring... kring...
PEDRO: Hello anak...
SALVACION: Ano ba naman tay! Nasaan na? Kahapon ko pa sinabi sa inyo di ba? Bakit hanggang ngayon wala pa rin?!
PEDRO: Anak, pasensya na. Pwede ba bukas nalang?
SALVACION: Bukas Tay? Bukas?!!! Ano akala niyo dito sa Maynila inuutang ang proyekto? Mag-isip naman kayo. Hindi porke't wala kayong pinag-aralan akala niyo pare-pareho na lahat. Sige, bibigyan ko kaya ng palugit. Sa isang linggo niyo na yan ibigay at saka kailangan ko pala ng tablet, Ipad at samsung. Siguro aabutin yun ng 50,000 + 2000 = 52,000. Next week na yan tay, kaya hanap-hanapin niyo na yan!
PEDRO: Anak, 52,0000??? Ang laki naman ata anak.
SALVACION: Ang bobo niyo naman tay! Malamang malaki talaga yan! Eh pumayag kayo na dito ako mag-aral di ba? So kailangan panindigan niyo! Sige na bye!
PEDRO: Anak teka! (tutut...tutut...)
NENE: Mahal, anong sabi ng ank natin?
PEDRO: 52,000 daw kailangan niya next week. Bibili daw siya ng tablet, Ipad at samsung.
NENE: Ano daw yan mahal?!
PEDRO: Project niya daw eh.
NENE: Mahal, ang laki naman ata. Saan natin yan kukunin? Patigilin na lang kaya natin siya sa pag-aaral?
PEDRO: 'Wag mahal. Kahit mamatay ako kakatrabaho, gagawin ko lang 'wag lang syang tumigil sa apg-aaral niya. (sabay ubo)
SCENE 18
GIRL 1: Salvacion, sasama ka ba sa amin bukas? Pupunta kami ng Boracay mga 1 month kami dun.
GIRL 2: Oo nga Salvacion sama ka na. Maraming boys dun.
GIRL 1: Pogi at mga hot!
SALVACION: Eh panu yan may pasok tayo?
GIRL 2: Hayaan mo na yun! Anong mas pipiliin mo yung school or yung Boracay?
GIRL 1: Oo nga, sige na sama ka na!
GIRL 2: Nandun yung crush mo.
SALVACION: Talaga? Sige, sasama ako.
Kinaumagahan umalis na sila papuntang Boracay. Makalipas ang ilang oras nandun na sila...
GIRL 1: Salavacion, dalhin mo na tong gamit namin sa hotel.
GIRL 2: Ito rin pasabay, thanks!
SALVACION: Ah sige, ako ng bahala.
SCENE 19
PEDRO: Mahal, aalis na ako ha. Magtratrabaho muna ako.
NENE: Sige mahal, ingat ka. Maya-maya aalis na rin ako.
Araw, gabi at pati madaling araw ay nagtratrabaho sina Mang Pedro at Aling Nene. Hanggang sa isang araw...
NENE: Mahal? Mahal.... Mahal ok ka lang?
PEDRO: OO, mahal (sabay ubo).
NENE: Idadala kita sa ospital.
PEDRO: 'Wag mahal. Ayokong mabawasan ang ipapadala natin kay Salvacion. Hayaan mo ako. Bukas na bukas magaling na ako. Mahal ilan na ba ang naipon natin?
NENE: Mahal 8000 pa lang.
PEDRO: Ganun ba?! Paano kaya yan. Teka tatawagan natin ng anak natin.
Kring... kring... kring...
PEDRO: Hello anak? Kamusta ka?
SALVACION: Malamang tay, ito naghihintay pa rin ng pera ha hanggang ngayon siguro eh hindi pa rin kayo nangangalahati.
PEDRO: Oo anak. Pero gagawin ko lahat para maibigay yun sa 'yo.
SALVACION: Dapat lang tay. At saka pwede 'wag nyo na muna akong kausapin kung wala naman sense ang sasabihin niyo. At saka tay may bayad na pala ang pakikipa-usap sa akin. 5,000 kada 5 minutes kasi sobrang busy ako sa school tapos iniistorbo niyo ako! Sige na bye!
PEDRO: Anak, teka... (tutut..tutut..)
NENE: Mahal, anong sabi niya?
PEDRO: Mag-ingat daw tayo. Mahal, mahal na mahal niya daw tayo!
NENE: Ang bait naman ng anak natin.
SCENE 20 (Boracay)
GIRL 1: Salvacion, inom ka oh!
GIRL 2: Oo eto pa. Kailangan maubos mo to.
GIRL 1: Girls, tawagin natin yang mga boys.
GIRL 2: Sige ba.
SALVACION: Oh eto na, nainom ko na.
Nagsilapitan ang mga lalaki...
GIRL 1: Oh halika upo kayo. Jam kayo sa amin.
GIRL 2: Salvacion ubusin mo ito ha.
Makalipas ang tatlong oras, lasing na lasing na si Salvacion. Ngunit ang dalawa niyang kaibigan ay hindi naman uminum.
GIRL 1: Manong, ito na po. Salvacion ang pangalan niya. Siya po ang bayad sa lahat ng makuha namin. Kayo na po bahala pero one night lang ho Manong ha.
Kinaumagahan...
SALVACION: Ano to? Bakit wala akong damit? Tulong! Tulungan niyo ako!
MANONG: Hoy, anong tulong? Para sabihin ko sa'yo ibinayad ka ng kaibigan mo dun sa lahat ng nainum at nagastos nila. Kaya sa ayaw at sa gusto mo wala ka ng magagawa.
SALVACION: 'Wag... 'wag... 'wag...
SCENE 21
Habang naglalakad si Mang Pedro may narinig siyang nag-uusap usap...
PARE 1: Magkano ba ang benta mo ng liver mo?
PARE 2: 40,000 pre, sa 'yo?
PARE 1: Sa akin eh 50,000.
Lumapit si Mang Pedro sa mga nag-uusap...
PEDRO: Mga pare,saan ba kayo nagtitinda ng liver niyo?
PARE 1: Bakit interesado ka ho ba chong?
PEDRO: Oo..
PARE 1: Doon po sa kabilang bario hanapin nyo nalang po si Mang Jaime.
Agad na pinuntahan ni Mang Pedro si Mang Jaime...
PEDRO: Tao po... tao po...
MANG JAIME: Sino yan?
PEDRO: Si Pedro ho. Gusto ko po sanang... (Binuksan ni Mang Jaime ang pinto)
MANG JAIME: Pwede ba 'wag kang maingay baka may makarinig sa atin malaman pang illegal 'tong ginagawa ko!
PEDRO: Ah Manong, gusto ko pong ibenta ang liver ko, magkano ho ba?
MANG JAIME: Alam mo Pedro, nakadepende yan sa edad mo. Kung medyo bata ka pa sa edad na 20-40, mga 80,000 pero kung 45 pataas mga 60,000 nalang.
PEDRO: Ah 39 ho ako chong...
MANG JAIME: Sigurado ka na ba sa desisyon mo?! Kung sigurado ka na, pumunta ka na lang dito ng alas 10 ng umaga. Saktong alas 10 ha. Bawal mahuli. Alas 10 impunto.
PEDRO: Sige ho, salamat manong.
Nang makauwi na si Mang Pedro sa kanyang bahay, agad nitong kinuha at binilang ang pera. Umabot palang ito ng 12,000. Kulang na kulang pa kung tutuusin,
PEDRO: Buo na ang desisyon ko.
NENE: Mahal ok ka lang ba? Sinong kausap mo diyan?
PEDRO: Ah wala mahal. Mahal halika nga dito. Alam mo miss na miss ko na yung bonding nating tatlo ng anak natin. Kailan kaya yun mangyayari ulit?
NENE: Hay naku Pedro, hayaan mo yun si Salvacion at pagsasabihan ko na umuwi para bumisita man lang dito.
PEDRO: Mahal alagaan mong mabuti ang anak natin ha. Pagdumating siya pakisabi mahal na mahal ko siya.
NENE: Ano ka ba naman mahal, eh bakit ako pa ang magsasabi, ikaw na para mas romantic naman.
PEDRO: Mahal basta ikaw na ang bahala sa lahat-lahat.
NENE: Siyempre naman mahal. Mahal na mahal ko kayo eh.
PEDRO: Bukas na bukas pala mahal ikaw na ang magpadala ng pera kay Salvacion kasi kumpleto na yun bukas.
NENE: Saan ka naman mahal kumuha?
PEDRO: Basta mahal.
NENE: O sige ikaw bahala.
Kinabihan hindi makatulog si Pedro dahil iniisip niya pa rin ang mangyayari. Ngunit nung siya ay sobrang nainip ay sumulat na lang siya ng isang liham...
PEDRO: Mahal kong Salvacion...
SCENE 22
SALVACION: Weh... weh... (hindi mapakali na tila nasusuka)
LINDA: Salvacion, Ok ka lang ba? Buntis ka?
SALVACION: Tigilan mo ako Linda! Pwede ba 'wag mo akong kakausapin. Pare-parehas lang kayo mga manloloko. Weh... weh...
LINDA: Hay naku. Ako na nga 'tong concern ganyan ka pa!
SALVACION: Lumayas ka! Layas!
SCENE 23
Agad na pumunta si Mang Pedro kay Mang Jaime.
PEDRO: Tao po? Tao po!
MANG JAIME: Halika pasok ka...
PEDRO: Ah sige po.
MANG JAIME: Handa ka na ba?
PEDRO: Oho...
MANG JAIME: Sige higa ka na. Hubarin mo yang damit mo.
Agad na inuperahan si Pedro at tinanggal ang isang liver...
Makalipas ang 8 oras tapos na ang operasyon at agad naman na binayaran si Pedro ng 80,000.
PEDRO: Salamat ha!
Umalis na si Mang Pedro. Nang makauwi na ito sa bahay agad na ibinigay kay Aling Nene ang lahat lahat na naipon. Umabot ito ng 92,000.
NENE: Pedro, ang laki namang pera 'to.
PEDRO: Sige na mahal. Ipadala mona yan. Mag-ingat ka ha. Mahal na mahal kita at saka mahal ihalik mo na rin ako sa anak nain. Pasabi naman na mahal na mahal ko siya.
NENE: Sige mahal mauna na ako.
Nang makaalis na si Nene, agad na tinawagan ni Mang Pedro si Salvacion.
Kring... kring... kring...
PEDRO: Hello anak.
SALVACION: Ano ba? Nasaan na yung pera?
PEDRO: Pinapadala na ng nanay mo anak.
SALVACION: Eh di mabuti! May sasabihin ka pa ba?
PEDRO: Mahal na mahal kita anak.
SALVACION: O sige na wala akong panahon diyan. Di ba sabi ko may bayad ang pakikipag-usap sa akin! Sige na bye!
PEDRO: Anak... (tutut.. tutut..)
Makalipas ang 30 minutes nahilo si Mang Pedro. Sumuka ito ng sumuka. Nandilim ang kanyang paningin. Hindi na mapigilan ang kanyang pagsusuka at sumuka na rin ito ng dugo hanggang sa nawalan na ng malay. Nang dumating si Aling Nene nabigla ito sa nakita. Nakahandusay sa sahig si Mang Pedro at nakakalat ang dugo...
NENE: Mahal? Mahal... Tulong... mga kapitbahay... tulungan niyo ako...
Agad na tumawag si Nene kay Salvacion.
Kring... kring... kring
NENE: Anak, ang tatay mo!
SALVACION: Oh ano naman Nay. Ano bang problema?
NENE: Nak, patay na ang tatay mo!!!
Nabitawan ni Salvacion ang telepono...
SALVACION: Tay... tay...
Agad na nagbyahe si Salvacion. Makalipas ang isang oras nakarating na ito...
SALVACION: Nay... Tay... Tay...! Tay... patawad...sorry Tay... mahal na mahal ko po kayo...
NENE: Anak, (hinalikan ito ni Nene), sabi nak ng tatay mo ihalik ko daw siya sa 'yo.
Niyakap ni Salvacion ang kanyang ina...
NENE: Teka anak nakuha mo ba ang pera?
SALVACION: Oo po Nay.
NENE: Ito may sulat ang tatay mo...
Mahal kong Salvacion,
Kamusta ka anak? Nakuha mo ba ang ipinadala namin? Anak 92,000 pala yan kasi yung 52,000 na project mo pangbili ng Ipod, tablet at samsung kumpleto na at yung 10,000 bayad ko para makausap ka para sabihin sa 'yo na nakapadala na ako. Oh anak may sobra yan na 5,000 para naman hindi ka magutom at pambaon mo na rin yan. Yung 30,000 naman anak ibigay mo sa nanay mo para magsimula kayo ng tindahan pang puhunan niyo. Ingatan mo ang nanay mo ha. Mahal na mahal ko kayo. Sabi ko naman sa 'yo anak di ba, kahit na isakripisyo ko ang buhay ko mapunan ko lang ang pangagailangan mo. Sige na anak basta lagi niyo lang tatandaan mahal na mahal ko kayo.
Nagmamahal,
Tatay...
Pagkatapos basahin ang sulat umiyak nang umiyak si Salvacion...
SALVACION: Tay... sorry po! Patawarin niyo ako... Mahal na mahal ko po kayo.
Nagsidatingan ang mga kapit-bahay. Nagbulung-bulungan ito ng nagbulungan...
KAPITBAHAY 1: Alam mo ba yan si Mang Pedro araw, gabi at madaling araw nagtratrabaho pa ho yan.
KAPITBAHAY 2: Ni hindi na nga ata kumakain yan eh. Kasi sabi niya ang ikakain niya daw makakadagdag na pang gasto ng anak niya.
KAPITBAHAY 3: Oo nga. Ulirang tatay talaga si Mang Pedro.
KAPITBAHAY 4: Nagbenta pa daw yan ng liver niya eh kasi kailangan daw ng anak niya ng tablet, Ipod at samsung.
Narinig lahat ni Salvacion ang usap-usapan. Sa hindi inaasahan, sumuka ito ng sumuka na parang naglilihi. Nasaksihan ng mga kapitbahay ang nangyari kaya naman...
KAPITBAHAY 1: Salvacion buntis ka?
KAPITBAHAY 2: Oo buntis siya! Wala kang utang na loob!
KAPITBAHAY 3: Hindi mo man lang pinahalagahan ang pagpapagod ng tatay mo!
NENE: Wala kang silbing anak! Walang hiya ka anak! Kasalanan mo kung bakit namatay ang tatay mo! (sinabunutan at sinampal si Salvacion)
SALVACION: Nay, patawarin niyo po ako. Nay sorry po... Nay patawad...
Nasa huli ang pagsisisi!!!
Pahalagahan ang lahat ng bagay lalung-lalo na ang pagsasakripisyo ng mga magulang.