Wednesday, August 13, 2014

A Child's Belief

Wow, each of us indeed has its great story. Ang galing talaga ni God gaya nitong next story natin.  

By: lovendear



Let me share this story about the innocent and false belief of a child who is a 6 years old in a years ago...and that's me! To begin, I was born with a father na pangalawang husband na sa mama ko. I am the youngest child pero only sa side ng mama ko. May dalawang anak ang mama ko sa first husband nya and they were my ate and kuya na turingan namin ay parang magkapatid na buo. Meron din naman akong sister as in kapatid sa ina't ama, at meron din akong brother na anak ng papa ko sa una niyang babae before pa ang mama ko at ito ang sitwasyong namulatan ko.
          I belong to a broken family, my parents were separated when I was a child. Iniwan kami ng sister ko under the care of our grandparents (parents of our father) in Gosoon, Agusan del Norte, sa dahilang walang trabaho ang mama ko at ang papa ko nga ay isang sundalo pero isang iresponsable and a womanizer kaya marami kaming magkakapatid sa labas ngayon. Doon ko naranasan ang lahat ng hirap sa buhay dahil mahirap lang din ang estado ng buhay ng lolo at lola ko. Naranasan ko ang minsan na walang kinakain sa isang araw, kinder til grade 1 ako noon na walang baon sa school, no enough school supplies. Minsan yong papel ko na nasulatan na ang binubura ko para may masulatan lng at naging pambura ko pa ay kapiraso ng tsenilas kaya napapagalitan ako ng teacher ko dahil marumi ang papel ko. Naging bag ko pa ang plastik sando bag...kaya inggit na inggit ako sa mga kaklase ko noon na ang gaganda ng mga damit at gamit pang-eskwela.
          Pero kahit ganon, may paniniwala na ako sa Diyos sa mura ko nang edad. Ang lolo ko ay nag-aasist sa simbahan na tinatawag na protestante or UCCP. Sometimes, he will be the one to preach the word of God, that's why every sunday kami nagsisimba. You know what was the belief of being a child at that time? I want to be good dahil ayoko mapunta sa impierno. Ginagawa ko lahat para maging mabait na bata pero hindi ko magawa dahil napapagalitan pa rin ako, hindi pa rin ako gusto ng iba at may ayaw pa rin na makipag kaibigan sa akin. Siguro dahil mahirap kami at iyon ang nasa isip ko noon kaya hindi maganda ang turing nila sa akin.
         I want to restate this verses from the Bible in Romans 3:10 As it is written: "There is none righteous, no, not one, Romans 3:23 for all have sinned and fall short of the glory of God. Kaya pala! Sinasabi na wala talagang perpekto ni kahit isa man maliban ky Hesu Kristo. So kahit anong kabutihan pa ang gawin natin hindi pa rin iyon basehan if we do not have faith and relationship with God.
          In continuation, ginagawa ko pa rin ang maging mabuti noon dahil gusto ko na sa langit ako makapunta at isang paniniwala din ang nakakatawa na kung sa langit ako mapunta maging anghel ako at iyon din ang mangyayari sa ibang tao kung sa langit din sila. One thing is real that until now I could say that God is powerful at hindi ako pinabayaan. Isang pangyayari na hindi ko malilimutan at alam kong totoong nangyari yon. Nakaupo ako sa bintana ng bahay, nasa mataas iyon dahil ang alam ko malaki ang bahay nila lolo. Kung papasok ka sa terrace, aakyat ka pa ng ilang steps ng hagdan papunta sa kainan at kusina at may hagdan pa papuntang taas with 3 rooms, at doon ako sa bintana ng isang kwarto. Hindi ako nakaramdam ng takot noon dahil old style na bahay like those time of the Spaniards with a big, heavy and sliding window na doon ako kumakapit at isa pa lumaki ako na sa may bintana lang palage at nakadungaw sa mga batang naglalaro dahil kinakandado kami ng lolo at lola ko sa bahay. Sa hindi sinasadya, nasagi ako ng kapatid ko at nahulog, pero sa pagkahulog ko ay nakatayo lang ang posisyon at dahan-dahan na nakalapag sa mabatong lupa na hindi ko man lang naramdaman ang sakit sa paa ko dahil sa mga bato. I remembered the verse that when Satan tempted Jesus and he caught the promise....in Matthew 4:6 and said to Him, "If You are the Son of God, throw Yourself down. For it is written: He shall give His angels charge concerning you,' and, ' In their hands they shall bear you up, lest you dash your foot against a stone.' " Naramdaman ko talaga in that time that God is with meπŸ˜ƒ. Kaya lang may problema non, paano ako makakapasok sa loob ng bahay? My sister suggests na aakyat na lang ako at doon dumaan sa bintana pero hindi ko kaya so dumaan na lang ako sa harap ng bahay at nakatikim ng palo kasi akala kung saan ako gumala. Gusto ko sana sabihin ang totoo but I can't speak and I believe that God shut my mouth at hindi pa panahon na sabihin ang himalang ginawa Niya and I believe that this time is the right time. Know what? Hindi pa rin alam ng sister ko 'til now na nangyari yon.
           There is also one thing that I can't forget. It is a form of a dream but I know and strongly believe that it was real that happened in my life coz I felt and saw it. As I was sleeping Jesus called me, and I woke up and get down stairs and went into the sea as it was only steps away in my grandparents house. Napakaliwanag ng paligid na nanggaling sa liwanag kay Jesus. Nakalutang Siya at may sinasabi sa akin pero hindi ko naintindihan. All I know that He called me. Now, He called me to serve and worship Him as I understand this time. God loves us very much according to John 3:16 and He demonstrated it. Romans 5:8 But God demonstrates His own love toward us, in that while we were still sinners, Christ died for us.' Let us just believe in Him, have faith in Him, accept Jesus as our Lord and Savior and have a close relationship with Him. Then you will see all the amazing things that will happen as He did in my life from loneliness, brokeness, fatherless and have nothing into contentment and I have everything in Jesus name...I'm on the right belief, right faith now. I'm on the right track!πŸ‘

No comments: