Fathers are role model to their children. They make big impact to their future..
By: Deince
When I was a child, I always get what I want but not what I need. Middle class ang family namin at medyo kilala sa society. My father was a businessman and always busy. But he make sure to have family time with us. We went out Saturdays and Sundays. It's a happy family and I think perfect yun.
Nagkaisip na ako, at nalaman kong maraming utang ang papa ko. But tuloy pa rin ang buhay namin. Palipat-lipat kami ng bahay. No permanent address. Hanggang sa high school na ako. Sa exclusive school ako pinaaral ng parents ko kahit na medyo alanganin sa tuition but God provided that time. Until dumating sa point na, na bankrupt ang negosyo namin and need to sell few properties. Maraming nawala sa amin pati ung reputation. Everything was lost dahil sa pagsusugal ng papa ko.
Lumipat kami sa probinsiya at nagsimula ulit ng buhay. Nag negosyo ngunit hindi na ito lumalago. I kept praying to God na sana magbago na si papa. Mga kapatid ko hindi maganda ang kinahantungan ng kanilang mga relasyon siguro dahil sa halimbawa niyang di tama. Nakaka stress talaga. But praise God because I have a Father in heaven. His love is unconditional and He never leave nor abandon me, us. A Father's love na hindi ko naramdaman sa papa ko.
Biglang nawala ang papa ko, almost 1 year din. Hindi niya na witness yung pag graduate ko sa college. I was down that time talaga and again God reminded me to stay strong and depend and trust Him. Bumalik siya at tinanggap namin siya ng buong-buo. Masakit kalimutan ang nakaraan but as a Christian we need to forgive. Ganun pa rin ugali niya, we thought nagbago na siya. Ngayon I'm married and minsan na lang yung communication namin. Hindi namin maintindihan kung ano ba talaga ang gusto niya. We have closure naman. I always pray for him, that God will move and touch his heart. In God's time, everything will be fine.
No comments:
Post a Comment