Monday, August 18, 2014

True love waits

Love stories are like dessert in literature. Kilig and tweetums moments...



By: Augustine

I don't know how to start this story. I don't know paano ko iconnect ulit ang mga memories that indeed God works together for good (all the time naman). Alam mo 'yung kahit love story pala He is the author.

College days...First time karamihan sa mga students na malayo sa mga parents nila dahil mag study sa ibang lugar. First time to be independent and to be alone...Dormitory! Karaniwan dito pinapasok ng mga parents mga anak nila because of its maybe standard sa rules and regulations unlike sa boarding house. One of the oldest dormitory (I think) in the city, ay maraming nabuong love story. Isa na dito sina Wacky and Jao.

Jao is a NBSB (No Boyfriend Since Birth). Maraming nanliligaw sa kanya ngunit 'di niya talaga priority ang magnobyo. She's busy sa church. Si Wacky naman ay may karanasan na sa relationship. Tutor niya si Jao in some subjects. They were good friends at parang kapatid na ang turingan nila sa isa't isa.

Jao really enjoyed being in a church. Atleast 3 times in one Sunday sumasamba. Wacky was curious bakit ganun siya. What's in the church? One time Wacky asked Jao why she happened to be always happy being in a church. Jao answered him: "I'm in love with Jesus. He's my everything." Jao's family is not perfect unlike kay Wacky na very sweet ang family.

Habang tumatagal lalong lumalalim ang pagkakaibigan ng dalawa. They shared stories and secrets. Vibes na vibes talaga sila. Kaya 'di malayong ma-inlove sila sa isa't isa.

Wacky passed a military school exam. So kailangan niya ng mag bye bye kay Jao. Pero may 'di pa siya nagagawa. Ang ipagtapat ang nararamdaman niya kay Jao. It's so hard for him to confess because natatakot siyang baka hindi maintindhan ni Jao at masira ang friendship nila, na tangi niyang iniingatan. December on that same year, Wacky wrote ang love letter to Jao. Sinabi niya lahat doon and Jao was shocked with that letter. She didn't know what to feel. But the situation changed. Medyo nagkailangan sila at di na masyado nag-uusap. Minsan nagkakasagutan dahil hindi nila maintindahan kung bakit humantong sa ganon. Dumistansya ng konti si Wacky kay Jao. Until such time na paalis na si Wacky para sa military schooling niya. Nalungkot si Jao dahil hanggang nun hindi pa sila nagkausap ng masinsinan. So God made a way... They went to Jolibee and spend time together, talked about their status. They remained friends and Wacky continue to court her. After how many days, umalis na si Wacky. Jao was really sad that time and realized she was in love with Wacky.

Minsan na lang ang communication nila dahil bawal pa ang cellphone sa school ni Wacky dahil he's first year pa. But he always find ways kung may pagkakataon to text and call Jao. Days and months past. Maraming pagbabago nangyari sa buhay nila. Naging busy masyado si Jao sa school. December na naman...sobrang lungkot ni Jao. She remembered the time last year na nasa dorm pa si Wacky. Siva din kasi 'yung manito niya. Sayang! Sayang talaga..31st on that month pa rin, they were texting. Sabi pa ni Wacky suko na siya, pagod na. Kaya nagmoved na naman si God and Jao told everything about her feelings, that he loved him. Sobrang tuwa ni Wacky kasi akala niya wala talaga. Takot lang talaga si Jao dahil she can't even find true love sa family niya that's why she don't believe in it... After how many months nagbakasyon si Wacky, almost 1 year din siya di nakauwi. Nagkita sila ni Jao and they were very happy.  After 1 month naging sila na.

Long distance relationship, mahirap 'yun. Constant communication is important talaga. 'Di maiwasan ang madalas na tampuhan that leads to break-ups. Ilang beses din itong nangyari kay Wacky and Jao but still love prevailed. Hanggang sa naka graduate na si Jao and found a job. Their relationship get stronger each day kahit na malayo sila sa isa't isa. Until such time na graduating na si Wacky and got engaged with Jao. After Wacky's graduation they get married.

God is the author of our life kasali na 'yung love story natin. Malapit o malayo man yan when you put God at the center of your relationship, He will move and make it last. True love waits. And while waiting, trust God with all your heart.

No comments: