Hey readers, our first story is here. Let's take a look and learn from it.
Author: Ella
Since
I was a child, loner na ako. I'm the only girl among my siblings. I
always get what I want pero hindi naman ako maluho. Mahilig na ako
mag-ipom sa alkansya noon pa man. Kaya every New Year may binibili ako
para sa sarili as a reward. Mula pagkabata, namulat na ako sa church. I
was oriented in Sunday Schools hanggang sa naging youth na ako. Naging
leader din ako ng Youth Org. namin sa church. Mas active ako sa church
kesa sa school. And I thought with that kind of routine I already knew
God. But something happened...
Grade 6 ako 'nun. Sabi
ng classmate ko namamaga ang mga mata ko. Pagdating sa bahay ginamot ng
parents ko. Ngunit bumabalik pa rin. Nagpa check-up na kame kasi we
thought it was a sore eyes. Binigyan ako ng reseta at binili sa botika.
Ilang
months na ganun pa rin. Tapos may bago akong naramdaman. May tumutubo
sa katawan ko, hirap akong makakain. I was diagnosed to allergy.
Maraming bawal kainin at gawin kasi bumabalik pa rin siya. Hanggang sa
dinala ako sa mga "quack doctors". Pinasuot ako ng anting-anting, may
mga lana at pinakain pa ako ng dahon. Lahat ginawa namin para lang
gumaling ako.
Lalo pa itong lumala.Sabi pa ng isang
manggagamot nakulam daw ako. Malakas daw 'yung power kasi relative lang
namin. Paulit-ulit pa rin nangyari sa akin 'yun. 'Di na ako nakakatulog
ng mahimbing. Anu-ano na ang naiisip ko...Then I questioned God. Why me?
What's my fault?
Isang araw may nakilala kameng
Pastora. Dati na pala 'tong kakilala ni Mama. At sinabi namin ang lahat.
Sa puntong iyon sinasapian na ako. Malakas at matapang daw ako sabi ng
mga nakakita. Paulit-ulit pa rin 'yun na nangyayari. Bago pa 'yun marami
ng tumanggi na simbahan sa amin, mga pastors. 'Di daw nila kaya. But
there's this Pastor who never gave up rebuking the evil inside me. Kahit
madaling araw tinutulungan niya kame. And one time he told me, "Only
Jesus can heal you. Lakasan mo pa ang paniniwala mo. Obsession na 'tong
nangyayari sa 'yo. Hwag bibitiw at matatapos din 'yan.
Many times I want to end my life. I never enjoyed my high school days because of the situation I was experiencing that time.
One
night I prayed. I surrendered everything to God. Sabi ko "Lalaban ako.
Kasi alam kong makakaya ko 'to sa tulong Mo." Hanggang sa natuto na
akong mag rebuke. And gradually na wala n. Mara mi pang dumating na
pagsubok sa buhay ko especially sa family. I know God is with me always.
Kahit na na bankrupt 'yung negosyo namin. God is my provider. God's
love is so amazing and enough. He moves mysteriously.
I
am still a Christian now. 'Yan ang masasabi ko sa mga problema at
demonyong dumaan sa buhay ko. I will always be a Christian. Lalaban at
lalaban ako para kay Jesus. 'Di ako susuko sa mga problema na darating
pa sa buhay ko. I will keep my faith strong because I know I will never
go wrong.
No comments:
Post a Comment